From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject:Articles 210 - 217 (A Must Read)
To: Friends in Advocacy
Date: Sunday, September 6, 2009, 4:01 AM
Noong Huwebes, ang abugado nina Joselito Alejo and Ramiro Esmero ay tumawag
sa atin. Sabi nya 100 percent sure na yong compensation for Joselito Alejo
at 80 percent yong kay Ramiro Esmero. He then asked kung nasaan yong pangatlo,
si Mr. Romeo Cordova.
Dagdag pa nya na in three months time ay makukuha na ni Joselito ang
compensation sa araw-araw na kanyang pagkakulong.
Tinanong namin kung bakit 80 percent pa lang ang kay Jojo (Esmero). Sabi ng
lawyer ay nauna kasing gumalaw si Joselito, katunayan ay yong mga transactions
nya sa Emara. (Note: Joselito even met face to face with Prince Salman sa
kanyang palace. I was with Joselito at those times.
The lawyer asked bakit hindi nagfile for compensation ang tatlo noong paglabas
nila. I answered dahil hindi nila alam ang proceso at batas. (It was only
last year when I explained to Joselito about his rights according to the Law
of Criminal Procedure ng KSA , Articles 210 and 217)
Tanong ng lawyer, ano ang ginawa ng embahada nyo? Kung ano man ang sinabi ko
sa lawyer ay amin na yon. Basta isang embassy official told me sa phone noon na
"suntok sa buwan yan, wala pang nangyaring ganyan". I answered him na "kaya walang
nangyari dahil di nyo alam, at heto pinaalam ko sa inyo na may batas na ganito,
ay hindi nyo tanggapin"
Then sinabi nya ulit nya sa amin during sa party ng APO last 2008 na "Suntok
sa buwan yan!". "Bakit naman galit na galit sya gobyerno at painterview pa sya
sa TV?" dagdag pa nya.. (Eh Nakulong nga yan ng halos 7 years...)
Maraming witnesses sa pagsabi nya yon at willing lahat magtestify sa pagiging
tactless ng official na ito.
The same case ang naifile natin sa Dewan al Mazalem in Jeddah last January 2008
for the compensation naman sa pagkakulong nina Hermilo Ramos, the late Napoleon
Fabrigas and Julian Camat. Sabi ng ating lawyer doon ay malapit na rin matapos
ang kaso.
fyi, Mang Nap Fabrigas died last month dahil nalunod habang nangingisda. Pero
his family will receive the compensation kung sakali mananalo sila sa case.
Sila naman ay yong na-acquit sa Jeddah noong 2007 after 4 and a half years din
na pagkakulong. Inakusahan sila ng pagnakaw ng isang van ng mga laptops.
Last month din, I contacted Ricky Cebanico, kung gusto nya bang magfile ng
compensation sa dalawang taon na sumubra sya sa kulungan.
I advised Ricky na mag-issue ng special power of attorney (wakala) like that of
Ramos, Fabrigas ang Camat. at ipauthenticate both sa DFA at sa Saudi Embassy.
Kay Jamil Mabanto naman, medyo mahirapan makakuha ng compensation sa paglabas nya.
Kahit noong napatunayan na natural cause of death yong pagkamatay ni Mr. Benjamin
Cruz. Kahit noong dinala na ng embahada sa korte ang medical report ng pagkamatay
ni yumaong Benjamin Cruz.
Ito yong medical report na tinago at pinagkait ng embahada dahil kailangan nilang
panindigan yong unang report nila na pinatay nga daw ni Jamil si Mr. Cruz.
(Kailangan panindigan nila ang naunang report na pinatay. Ginawa nya yong report
na yan base sa info na nakuha sa telepono lang. kaya noong lumabas ang medical
report na natural cause ang pagkamatay. tinago na lang ng official ng embahada)
We clearly instructed Jamil before his hearing last year na wag syang papayag
magbayad ng pera kahit gaano kaliit dahil that could be considered as admission
at baka madeprived pa sya to file for compensation. During the hearing nadepensa
lahat ni Jamil ang katanungan, hindi nya kailagan ng translator dahil magaling
sya sa arabic. Ang hatol ay magbayad sya ng 55,000SR sa pamilya Cruz.
itong pag-tanggap ni Jamil sa hatol na magbayad sya ng 55,000 SR ay
magpapahirap sa kanya sa pagfile ng compensation. Pero sabi ng lawyer, na
titingnan nya ang kanyang magagawa kung sakali ay gusto magfile ni Jamil
ng compensation.
Ang sa amin lang naman dito, year 2001 pa itong latest law of criminal procedure ng
KSa.. pero wala man lang nagpursige para ipaglaban ang karapatan nina alejo, esmero,
fabrigas atbp. Suntok sa buwan pa nga ang sabi ng embassy official dahil wala daw ganun
na batas ang proceso at taga-embassy sila at alam nila lahat. Hayaan na natin siya,
ayaw niya mapagsabihan. Ayaw ng suggestion dahil insulto yon sa kanya.
Nagpapasalamat naman tayo sa mga lawyers na pumayag na pagkatapos na ng manalo ay
saka na kunin ang bayad. Medyo may kalakihan man ang importante mapursige nya ang
kaso at mabigyan ng hustisya ang ating mga kababayan na ito.
Katulad nina Joselito Alejo na ang daming binitawang pangako ng ating gobyerno sa
kanila pero wala man lang isa na natupad. Pero sana naman kahit itong karapatan
nila for compensation sa kanilang pagkakulong ay dapat pinaglaban. Papano hindi
naman nila ito alam noon. Nalaman lang nila noong lumabas na ang balita kay Joselito
Alejo at binigyan natin ng kopya sa batas.
Article 210:
Any acquittal judgment pursuant to a petition for reconsideration must, if the
convicted person so requests, include moral and material compensation to mitigate
the damage suffered by him.
Article 217:
If a convicted person is sentenced to a term of imprisonment and has already
served part of that term while being detained in connection with the case that has
been adjudicated, the period of such detention shall be deducted from the term of
imprisonment imposed on the accused.
An accused person, who has been harmed as a result of malicious accusation or
as a result of being detained or imprisoned for a period exceeding the term
prescribed for such detention or imprisonment, shall be entitled to compensation.
Last month, nagkasama kami nina Joselito Alejo,Ramiro Esmero at Hermilo Ramos sa
isang pagtitipon.
(see attached pics) Hinayaan namin silang magkwento ng mga karanasan nila sa loob
ng kulungan. May tawanan at may mga time na tutulo ang kanilang mga luha.
Hindi pa sila naka get-over sa nangyari sa kanila at sana sa pagkapanalo nila sa
kanilang kaso sa dewan ay makalimutan na nila ang mga masasamang alaala.
Gumagalang ng lubos
ka joseph
Related Links in Patnubay.com
The Joselito Alejo Story
Reaction to OUMWA's Report re Fabrigas, Ramos and Camat
Jamil Mabanto Case Analysis
Distress Cases in Saudi Arabia, Who's to blame?
Qatl Cases Analysis
Sack Negligent RP Embassy and Consular Men says Villar