Patnubay
    
   
Save Password  / Forgot your password?
 
 All Forums
  Xtreme Chat
 Rosa Vilma Recto Balbin Story - (Click Here)
  Printer Friendly Version  
Author Previous Topic Topic Next Topic  
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/21/2010 :  04:56:25 AM

Thanks to Roland Blanco and Balitang Middle East.
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/22/2010 :  05:20:06 AM
Thanks to Dr. Rowena Zaplan ng Al Haramain Clinic na unang naggamot kay Rosa Vilma at sa 
pagpaabot ng information tungkol sa kalagayan ng kanyang pasyente thru this website.

At sa mga unang tumugon ng ating panawagan ng tulong na sina :

Ate Susan and Kuya Erwin Tobias of BA Group sa pag-alalay at pagbigay ng pag-asa kay
Rosa Vilma. 

Dr. Ismael Al  Badawi, mga staff ng Al Thurayah Clinic at sa RKH Oncology Department sa libreng  
medication at radiation therapy.

Maraming salamat din sa lahat ng staff ng Al Harmain Clinic na nag-ambag2x ng halaga para 
maipaabot kay Rosa Vilma.

Sa Assistance to National Section , Vice Consul Reyes, Jeromre Friaz, Zailon Ibrahim,  Jimmy Harris, 
Lucman Guyamal at Roger 

Sa tanggapan ng  POLO, kay Labatt Valenciano, Dr. Octavio, Nestor Burrayag, Welof Mabel, Femy at
kay Mr. Bashir Ayoub. (Nangako ang POLO na mabigyan ng OWWA si Rosa Vilma ng libreng 
hospitalization and treatment sa  Pilipinas.)

Ang mga kasamang wards na nag-alaga kay Rosa Vilma ngayon sa  Bahay Kalinga..

Sa mga tumulong kay Rosa vilma noon na hindi namin alam ang kanilang mga pangalan.

Maraming Salamat at Mabuhay ang Bayanihan ng Pinoy.


Dr. Ismael Al Badawi : "Teamwork!"

Dr. Rowena Zaplan  :  thanks to Patnubay.com also....coz u made us worthy as human being....help us to 
become more responsible because we know that we walk and talk as one....mabuhay po kau and happy 
fathers day!

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/22/2010 :  05:45:50 AM

June 2, 2010 - Rosa Vilma's visit sa clinic ni Dr. Badawi


Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/22/2010 :  06:16:15 AM

Patnubay.com :  interview with Rosa Vilma
(June 7, 2010)

Ilang taon ka na ba nag-abroad (OFW)?

Year 2000 to 2006 sa Abu Dhabi po ako sir.
Then balik abroad po ako noong 2008.

May na-ipon ka ba sa pag-abroad mo? ubos po

Bakit naman ? saan panggastos.

Nagpadala ka ba ng pera sa Pilipinas? opo

Wala kang naipundar ? Meron mga gamit kaso nawala
lahat dahil inakyat yong bahay namin.

Anong inakyat ? ninakakawan po kami.

Kulang talaga ang sahod na kinita ng isang ofw no? opo
hindi pa secured pagkatapos.

Nagpapadala ka ba sa pamilya mo noon ? Opo

Magkano naman ? 8000 pesos or 10000 pesos.
tulong ko po sa pamilya..

May asawa at anak ba si Rosa Vilma ? Wala po dalaga
po ako sir.

Sino ang mag-alaga sa yo pagdating sa pinas? yong
tita ko po tapos may sakit pa. Yong kapatid ko rin po
kaso may hirap din yon.

Itong mga kapatid mo natulongan mo rin noon?. 
opo yong isa lang po na kapatid ko sir..

Noong magaling ka pa. hindi ba pasaway si rosa vilma?
hindi po sir. madaldal lang . pero hindi po sa pagbuhat
ng bangko sir. sa totoo lang matulongin akong tao.
(hikbi).

Wala namang akong inagrabyadong tao. bakit ganito
ang parusa sa akin. Hindi naman ako lumalaki na 
magsigarilyo o ano mang bisyo.

So lahat ng pera mo naitulong mo sa pamilya ? buong
sahod ko inintriga ko po sa lola ko.

Hindi naman ako pinalaki ng lola ko na masamang tao.

Yong lola mo asan na ngayon? kasama po ng tito
ko. nasa Guam po..

May number ka ba sa kanila. wala ho. kasi tumatawag
lang po sa payphone lang.

anong pangalan ng lola? Elisea recto.

yong tito mo? Rolando Recto po.

Yong nanay mo nasaan na ngayon? (hikbi)

Ano name ng nanay mo ? Clarita Recto po.

anong trabaho nila doon po. care giver din po.

Saan room ka sa Bahay kalinga? sa viewing1 po

Mabait naman sa yo ang mga kasamang ward mo? opo
tinutulongan po nila ako. sila ang naglalaba ng damit
ko.

Anong mga pangalan ng tumulong sa yo dyan?
ambit , ritchie, si nour din at si dianne po
yong may kaso na naiwan ang anak sa hospital.

Natawagan mo na ba si Dra Weng na natanggap mo
yong donation nila? Opo sir, nagpapasalamat po ako
ng marami sir. 

Nagusap din kayo nina Ate susan  ? Opo sir, nagpapasalamat
din po ako sa kanya ng marami.

Takot ka bang umuwi iha? (tahimik)

Ano ba ang sabi ng POLO OWWA sa yo? Magprocess daw
po ng exit visa at ipagpatuloy ang paggamot doon sa
Pilipinas po dahil OWWA member naman daw ako.

Saan daw ? Sa Kidney Center daw po sir. ewan ko kung
totoo ang sinsabi nila.

Mas gusto mo bang magamot dito? opo

Bakit naman? Kasi dito po marami kayo na nag-alaga sa
akin. Sa atin kasi yong tita na uuwian ko may sakit din. 

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/22/2010 :  06:20:11 AM

Donation ng mga Filipino workers of Al Harmain Clinic


Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/27/2010 :  12:57:36 PM
Natuloy ang flight ni Rosa Vilma kaninang madaling araw. (June 27,2010). Maraming salamat sa lahat!

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
Jump To:


Set as your default homepage Add favorite Privacy Report A Problem/Issue   © 2005 Patnubay All Rights Reserved. MWPX.COM Contact Us Go To Top Of Page

loaded in 0.766s